Malayo sa Pamilya, Malapit sa Pangarap?

Marami akong nababasa sa soc med, I know this is very timely.

Mga kwento ng sakripisyo, ng pangingibang-bansa, ng pagtitiis sa layo para sa mas magandang sahod. At sa kabilang banda, may mga kwento rin ng mga piniling manatili kapiling ang pamilya, kahit sapat lang ang kita. Parehong may bigat. Parehong may pagmamahal.

Sa mga ganitong kwento, napapatanong rin ako,
Kung ako kaya? Alin ang pipiliin ko? Yung nandyan ako sa malapit? O yung kakayahang ibigay lahat ng kailangan nila at luho, kahit ako mismo ang wala doon?

Tingin ko wala namang tamang sagot, ‘di ba? Pero siguro, may mas totoo para sa bawat isa sa atin. At minsan, kailangan nating tanungin ang sarili natin:
Ano ang tunay na mahalaga para sa akin: ang laging nandiyan ako, o ang maparamdam kong hindi ko sila kailanman pinabayaan?

Ikaw, ano sagot mo?

***pwede din tagalog ha dahil malapit na ang #BuwanNgWika :slight_smile:

3 Likes

I’ve been in that situation so many times… I chose to come back again and again…di ko pala kaya malayo sa pamilya… :person_gesturing_ok:

3 Likes

Mas gusto ko malapit ako para sa mga anak ko pero ngayon na malaki na sila okay lang din na malayo sila because of work and studies. Sanay din ako na nag tatrabaho sa abroad ang husband ko dati pero ngayon dito na lang sya sa Pilipinas. This is the time for him to rest and enjoy the fruit of his labor.

3 Likes

that’s soo heartwarming!!! @Joda68 :heart_eyes:

2 Likes

yes doc, may mga tao talaga na di kaya malayo at isa na rin ako dun. :slight_smile:

3 Likes

yes po kasi as a Filipino culture, talagang mas importanteng magkakasama ang pamilya… iba din talaga pag sama-sama na ang pamilya sa tamang panahon.

3 Likes